-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang grupo ng mga arbiter ang ipapadala sa Kingdom of Saudi Arabia upang mamagitan sa mga isyu sa labor concerns at safety conditions ng mga overseas Filipino worker (OFWs).

Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople na ang hakbang ay para tulungan ang mahigit 10,000 household Filipino worker na kasalukuyang natigil sa bansa mula noong Nobyembre noong nakaraang taon matapos ipataw ng gobyerno ng Pilipinas ang suspensiyon sa pagde-deploy ng mga Filipino worker sa Saudi.

Dagdag pa ni Ople na sinimulan nila ang komunikasyon sa mga opisyal ng Saudi para gumawa ng ‘win-win’ solutions para sa mga OFW.

Ang deployment ban ay iniutos dahil sa mga ulat na humigit-kumulang 11,000 OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay biktima ng unfair labor practices at exploitation mula 2016 hanggang 2021.

Napag-alaman na ilang beses na sinubukan ng dating administrasyon na makipag-usap sa gobyerno ng Saudi ngunit hindi ito nagtagumpay.