-- Advertisements --

Pinapasumite ni Department of Migran Workers (DMW) Secretary Susan Ople ang mga private recruitment agencies (PRA) at licensed manning agencies (LMA) kung ilan ang natulungan nilang manggagawa na naapektuhan ng pagkaaberya ng paliparan nitong unang araw ng Enero.

Ayon sa kalihim na inatasan niya ang nasabing mga PRA at LMA na tulungan ang nasabing mga pasahero.

Anumang tulong aniya na maibibigay sa mga naapektuhang overseas Filipino workers (OFW) na naapektuhan ay kanilang bibigyan ng halaga.

Magugunitang aabot sa 3,000 na mga OFW ang hindi agad na nakabiyahe dahil sa nasabing aberya.