-- Advertisements --
Wala pang balak na magretiro si Serbian tennis star Novak Djokovic.
Ito ay matapos na magwagi siya sa US Open ng talunin si Daniil Medvedev 6-3, 7-6(5), 6-3.
Ang nasabing panalo ay makasaysayan dahil ito ang kaniyang pang-24 na major championship.
Katapat na niya si Margaret Court sa may panalong Grand Slam singles titles sa kasaysayan ng tennis.
Sinabi nito na labis siyang natuwa sa sarili dahil sa nakayanan niyang makuha ang nasabing record.
Kasama na niya ngayon si Roger Federer na tanging manlalaro sa men’s tennis na mayroong apat o higit pang titulo sa tatlong magkakaibang majors.