-- Advertisements --
Pasok na sa semifinal rounds ng Wimbledon si Novak Djokovic.
Tinalo kasi ng Sebian tennis star si Jannik Sinner ng Italy sa score na 5-7, 2-6, 6-3, 6-3, 6-2.
Sa unang dalawang round ay nahirapan ang 35-anyos na si Djokovic hanggang tuluyang makontrol ang laro at talunin ang 20-anyos na Italian player.
Aminado ito na tila naunahan siya sa dalawang set subalit tuluyan itong nakabawi pagdating ng ikatlo hanggang ikalimang set.
Susunod na makakaharap nito ang sinumang mananalo sa pagitan nina David Goffin ng Belgium o Cameron Norrie ng Britanya.










