-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng Australian Open si Novak Djokovic.

Ito ay matapos talunin si American Taylor Fritz sa score na 7-6(7-3) 4-6 6-2 6-3.

Sa ngayon ay mayroon ng 33-match winning streak sa Australian Open.

Nalalapit na rin ang target nitong makuha ang 11th Australian Open title.

Sinabi ni Djokovic na nahirapan ito ng bahagya sa unang bahagi ng laro.

Susunod na makakaharap nito si Andrey Rublev ng Russia o Jannik Sinner ng Italy sa semifinals.