-- Advertisements --

Nagtala ng record sa tennis si Novak Djokovic matapos makuha nito ang ika-pitong ATP Finals Title.

Tinalo kasi nito si Jannik Sinner ng Italy sa score na 6-3, 6-3 sa ATP Finals Tennis Tournament na ginanap sa Turin, Italy.

Una ng tinalo ng 36-anyos na si Djokovic si Carlos Alcaraz sa semifinals ng nasabing torneo.

Sinabi nito na isang espesyal ang kaniyang panalo at ang matinding tennis season na kaniyang nalaro.