-- Advertisements --
Saliva PRC red cross COVID test gordon

Muling hinikayat ni dating senator at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon ang mga kabataan na buhayin ang diwa ng volunteerism sa bansa.

Kasabay na rin ito ng paglulunsad ng PRC sa Red Cross Youth Re-connect kasabay ng taunang pagdiriwang ng Red Cross Youth Month.

Ang naturang event ay layong gunitain ang kanilang mga nasimulan para buhayin ang diwa ng bolunterismo sa mga kabataan.

Ang pagdiriwang ay kinabibilangan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Leadership Week 2022, RCY Excellence Awards at ang GOAL 13 Leadership Lab Program.

Sa pamamagitan nito, tiwala si Gordon na maimumulat nito ang mga kabataan kaugnay pa rin sa kanilang pananagutan sa lipunan.

Maliban dito, ang event ay layon ding turuan din sila na maging responsableng mamamayan.