-- Advertisements --

Tila nagpapahina umano ang christmas season sa pagnanais ng mga botante na pumila at magparehistro bago ang magaganap na halalan sa taong 2023.

Ayon kay Commission on Elections spokesman John Rex Laudiangco, wala pang 151,000 na mga botante ang nag-sign up para sa voter registration sa iba’t ibang tanggapan ng Commission on Elections sa buong bansa mula noong Disyembre 12.

Aniya, 611 pa lamang ang mga aplikante na nagpalista para sa proyektong “Register Anywhere” sa walong mall na lugar kung saan maaaring magparehistro.

Dagdag pa niya, matumal umano ang unang araw ng voter registration dahil ang primary attention ng mga tao ay nasa pagtitipon at pahinga ngayong holiday season.

Hinimok niya ang mga botante na mag-avail ng holidays at magparehistro sa halip na sumali sa mga nagparehistro sa Enero.

Inaasahan ng Commission on Eelction na hindi bababa sa 1 milyon hanggang 1.5 milyong bagong botante ang magpaparehistro hanggang January 31, 2023.

Una na rito, ang pagpaparehistro ng botante ay isasagawa araw-araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, maliban sa Linggo, sa Office of the Election Officer ng lungsod, munisipyo. o distrito kung saan nakatira ang mga magpaparehistro.