-- Advertisements --
download 6

Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Timor-Leste President Jose Ramos-Horta ang posibleng pagkakaroon ng direktang flights sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng air services agreement gayundin ang mga mekanismo para mapangasiwaan ang tensiyon sa disputed waters kabilang ang West PH Sea.

Ang naturang plano ay idinulog sa bilateral meeting nina PBBM kasama ang Timor-Leste Pres. sa Malacanang Palace sa Maynila.

Ayon kay PBBM, nagpahayag ng suporta ang Timor-Leste Pres. para sa PH pagdating sa pagtalima sa rules-based international law at sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Nangako din ang dalawang lider na muling i-convene ang policy consultations na papangunahan ng Timor-Leste sa hinaharap.