-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Finance Secretary Benjamin Diokno III ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ay dahil sa plano ng BIR na mangulekta ng creditable withholding tax ng 1% mula sa partner-merchants ng online platform.

Sinabi ng kalihim na ang nasabing pagbubuwis ay patas lamang.

Hindi lamang ito nagpapataas ng tax revenues at sa halip ay ang pagiging patas lamang.

Magugunitang planong ipatupad ng BIR sa last quarter ang nasabing pagsingil ng 1% na buwis.