-- Advertisements --
image 293

Halos trumiple ang itinaas ng mga dinadapuan ng dengue sa ating bansa mula noong Enero 1 hanggang Nobiyembre 5, 2022 kumpara sa kaparehong period noong nakalipas na taon.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa kabuuang 196,728 ang kaso ng dengue na naitala sa naturang period na 191% na mas mataas kumapara sa 67,537 na naitala noong Enero1 hanggang Nobiyembre 5, 2021

Sa Central Luzon ang nakapagtala ng maraming dinapuan ng dengue na nasa 38,640 cases sinundan ng NCR at Calabarzon.

Lumobo din ang bilang ng nasasawi dahil sa dengue ngayong taon na nasa 642 mula sa 247 noong 2021. Ito ay katumbas ng 0.3% case fatality rate.

Pinakamaraming dinapuan ng dengue na nasawi ay mula sa Central Visayas na nasa 98 kaso, sinundan ng Central Luzon at Western Visayas (83) at National Capital region (50).