Isang karangalan para kay Dimples Romana ang natanggap na imbitasyon mula sa International Emmy Awards na maging juror para sa 48th year ng nasabing
prestihiyosong award giving body.
Sa serye ng tinatawag na IG Story, kabilang sa mga post ni Dimples o Dianne Marie sa tunay na buhay ang screenshot ng virtual meeting nila ng mga makakasama sa International Emmy Awards ngayong taon.
Nariyan ang pasasalamat ng 35-year-old actress, gayundin ang paglarawan bilang “dream come true” at “magical day” ang nakuhang magandang balita sa gitna ng coronavirus pandemica sa bansa.
Ang naturang taunang awards na ibinibigay ng International Academy of Television Arts and Sciences ay kumikilala sa best television programs na unang binubuo at pinalabas sa abroad.
Karaniwang tuwing Nobyembre idinadaos ang International Emmy Awards Gala, kung saan mahigit 1,000 TV professionals ang dumadalo.