
Nababahala ngayon si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa kadahilanang marami aniyang mga tanong ang hindi masagot ni PLTGEN Benjamin Santos Jr. kaugnay sa pagkakasangkot nito saPHP6.7 billion drug haul ng PNP.
Inihayag ito ni Abalos kasunod ng kamakailan lang na pagharap ni Santos sa media matapos makaladkad siyang pangalanan ng kalihim na isa sa mga dawit sa nasabing kaso na kumaladkad naman sa kaniyang pangalan bilang dating Deputy chief for operations ng pambansang pulisya.
Ayon kay Abalos, ito ay posibleng makaapekto sa kasong kinasasangkutan ni santos ngayon na may kaugnayan sa biggest drug haul sa bansa sa kasaysayan ng pnp noong nakaraang taon.
Kaugnay nito ay muling iginiit ng kalihim na kinakailangang magsagawa ng bukod na imbestigasyon ang National Police Commission ukol dito.
Ngunit sa kabila nito ay sinabi naman ni PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr. na kumpiyansa siya na walang kinalaman sina PBGEN Narciso Domingo at dating Deputy chief for operations PLTGEN Benjamin Santos Jr. sa kasong ito.
Ito ay kahit na kasama ang dalawang opsiyal sa mga pinangalanan ni Abalos na dawit sa nasabing krimen.
Aniya, kilala niya ang dalawa na hindi gagawa ng ganitong uri ng masamang gawain kasabay ng paliwanag na si Domingo raw ang nakadiskubre ng halos isang toneladang shabu, habang si Santos naman daw ang kaniyang inutusan na mag supervise inventory sa crime scene dahilan kung bakit naroon din siya sa lugar kung saan nakita rin siya sa inilahad na CCTV footage ni Abalos sa publiko.








