-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang pagbalasa sa lahat ng mga kapulisan sa Bayawan City, sa Negros Occidental.

Ito ay may kaugnayan sa naganap na pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Sinabi ni Abalos na personal na nagtungo sa Bayawan City si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia para ipatupad ang nasabing kautusan.

Una rito inamin ng PNP nagkaroon sila ng pagkukulang kaya nagawa ng mga armadong suspek ang pamamaril sa gobernador na nadamay pa ang iba pang mga sibilyan.