
Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga alkalde sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Tisoy na huwag mawala sa aksyon at pangunahan ang disaster management operations sa kanikanilang mga nasasakupan sa mga susunod na araw.
“As head of their respective Disaster Risk Reduction and Management Councils, governors, mayors, and punong barangays [village heads] are expected to be in their respective stations to man the incident command center and vigilantly monitor the situation on the ground,” ani Año.
Sinabi ng kalihim na dapat sa oras na ito ay na-convene na ng mga alaklde ang kanilang disaster risk reduction and management council, bago pa man mag-landfall ang Bagyong Tisoy sa Catanduanes, Albay o Sorsogon mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
Naglabas din ng kautusan si Año sa mga local government units na i-monitor ang sitwasyon sa karagatan, gayundin ang kalagayan ng mga residente sa mga mababang lugar o sa mga ilog at landslide prone areas.
Dapat na huwag na ipagbawal na rin daw muna sa ngayon ng mga awtoridad ang lahat ng tourism activities tulad ng mountaineering, surfing, hiking, at diving sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Bukod dito, dapat na abisuhan na rin ayon kay Año na abisuhan ang mga small-scale divers na manatili na muna sa mga ligtas na lugar at iwasan na muna ang mining activities sa mga susunod na araw.










