-- Advertisements --

ano

Inatasan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat na mga City at Municipal Mayors sa buong bansa na magsumite ng validated list ng mga qualified tricycle drivers sa mga DILG regional offices bago ang April 26, 2022.

Ito ay paghahanda para sa ipamamahaging fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program na pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay DILG Sec Eduardo Año ang mga city at municipal local chief executives (LCEs) ang gagawa ng listahan para ma expedite ang proseso sa pagbibigay ayuda para sa mga tricycle drivers na lubhang naapektuhan dahil sa pagtaas ng presyo mg krudo at petrolyo.

Sinabi ng kalihim ang validated list ang siyang magiging basehan ng DOTr-LTFRB sa pagbibigay ayuda.

Umaasa si Año na sana bilisan ng mga local chief executives (LCEs) ang pag-aasikaso sa mga listahan para maibsan ang pasanin ng mga drayber.

Ang Fuel Subsidy Program or Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa pamamagitan ng General Appropriations Act of 2022. Ang fuel assistance ay nagkakahalaga ng P6,500 na direktang ipamamahaga sa mga apektadong jeepney drivers, mga qualified drivers ng UV express, mini buses, buses, shuttle services, taxis, tricycles, at iba pang full-time ride-hailing gaya ng TNVS at motorcycle taxis.

Hinimok din ni Sec Año ang alkalde na mag tayo ng Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk o Hotline numbers na siyang tutugon sa mga concerns at complaints ng mga beneficiaries na nasa listahan.

Binigyang-diin naman ng kalihim na ang DOTr-LTFRB ang siyang mamamahagi ng ayuda sa mga beneficiaries.