-- Advertisements --

Muling pinaalalahanan ng Department of Interior ang Local Government ang mga Local Government Units sa Northern Luzon na maging alerto sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Goring.

Sa inilabas na statement ni Sec. Benhur Abalos Jr, pinayuhan nito ang mga local chief executives, na bantayan ang sitwasyon sa kani-kanilang area of responsibility, at tiyaking ligtas ang lahat ng mga residente.

Una rito, pinayuhan na ng naturang ahensiya ang mga LGUs sa Northern Luzon, bago pa man ang pananalasa ng naturang bagyo na alertuhin na ang mga Emergency Operations Center (EOC) at Disaster Online Reporting and Monitoring System (DORMS).

Una na ring ipinatupad ang mga protocol sa ilalim ng Operation Listo disaster preparedness manual ng Departamento.

Batay sa kasalukuyang datus ng ahensiya, umaabot na sa 1,481 brgys mula sa ibat vibang mga rehiyon ang apektado ng nagpapatuloy na pag-ulan na dala ng bagyong goring, kasama na ang pinalakas na Habagat.

Kinabibilangan ito ng mga rehiyon ng CAR, R01, R02, R03, R4A, 4B, R6, at Zamboanga Peninsula(R9)