-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga magulang na hahanapin nila ang mga napaulat na nawawalang menor de edad na sinasabing ni-recruit ng mga makakaliwang grupo.

Ito ay matapos na naging emosyunal sa isang pagdinig sa Senado ang ilang magulang ng mga menor de edad na mga estudyante na umano’y sumali sa mga makakaliwang grupo at sa ngayon ay hindi na mahagilap pa.

Sa isang statement, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na pinapadala sa mga bundok ang mga na-recruit na menor de edad.

Kalanunan, ang mga ito rin umano ang mga napapatay sa bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga rebeldeng komunista.

Sinabi rin ni Año na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan din nila ang memorandum of agreement sa pagitan ng mga state universities and colleges patungkols sa presensya ng mga pulis sa mga paaralan at unibersidad para mapigilan ang recruitment ng mga makakaliwang organisasyon.

“Tandaan natin na ang laban na ito ay hindi lamang sa red area o mga probinsiya kundi pati dito sa white area o mga lungsod — sa ating mga eskwelahan, factories at iba pa – ito ang kanilang target samantalahin,” ani Año