Nireresolba na raw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga reklamo tungkol sa ilang opisyal na inuuna raw ang kanilang kamag-anak sa pamamahagi ng benepisyo sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Interior Usec. Martin Diño, tinatayang nasa 2,000 reklamo na raw ang natanggap ng kanilang tanggapan mula nang ipatupad ang nasabing programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod sa pagbibigay ng prayoridad sa kamag-anak, may mga ipinadalang reklamo rin daw sa DILG kaugnay ng paninigil ng P2,000 processing fee.
Pati na ang hindi updated na listahan sa mga residente ng ilang barangay na naka-base pa sa 2015 census.
Apektado tuloy yung mga bagong lipat sa mga lugar na walang updated na listahan ng mga residente.
Sa ilalim ng SAP, target na bigyan ng tulong pinansyal ang tinatayang 18,000 low income families na apektado ng COVID-19 crisis.