Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na simulan na ang clean-up drives sa kanilang mga lugar bilang hakbang kontra pagkalat ng sakit na dengue.
Naalarma si DILG Sec. Eduardo Año matapos lumabas sa ulat ng Department of Health na maraming rehiyon sa labas ng National Capital Region ang may mataas na kaso ng naturang sakit.
Ayon sa kalihim, magsilbing hudyat sana ang mga kaso para kumilos at gumawa ng hakbang ang local officials.
“The alarming increase of dengue cases in several areas should prompt LGUs to act now and act fast in arresting the spread of dengue in their respective areas. We should not allow dengue to debilitate our communities.”
Nitong Lunes nang ideklara ng DOH ang National Dengue Alert matapos pumalo sa higit 100,000 ang bilang ng kaso ng sakit sa buong bansa sa unang kalahati ng taon.
Inatasan ni Año ang mga lokal na opisyal na makipag-coordinate sa DOH para sa mga aksyon na maaaring gawin konrtra dengue.
“Lahat tayo ay magtulong-tulong at kumilos na. Huwag nating iasa na lang sa gobyerno ang paglilinis at pagsisinop sa ating mga kapaligiran para maiwasan ang dengue.”