Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang kanilang anti-illegal logging operations.
Ito ay kasunod na rin ng matinding pagbaha sa ilang lugar sa Luzon sa mga nakalipas na linggo bunsod ng magkakasunod na pananalasa ng bagyo.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, marami nang umiiral na batas laban sa illegal logging na dapat mahigpit na ipatupad.
Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Año ang mga local government units na alamin at aksyunan kung mayroong iligal na aktibida sa kanilang nasasakupan.
Binalaan naman din nito ang mga lokal na opisyal na sangkot sa illegal loging activities sa posibleng kaharapin na mga kaso.
Nauna nang sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na magpapatupad din sila ng crackdown laban sa illegal mining, bukod pa sa illegal logging.
Sisentro ang crackdown na ito sa lalawigan ng Cagayan at Isabela, at maging sa Bicol region, ayon kay Malaya.