-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng maximum tolerance at kaukulang latag ng seguridad sa gitna ng isinasagawang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa may EDSA.

Naatasan ang PNP, sa pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang lokal na pamahalaan, na tiyaking manatiling mapayapa, at maayos ang aktibidad at ligtas para sa lahat.

Nanawagan din ang DILG sa lahat ng kalahok sa rally na pairalin ang kanilang mga karapatan ng responsable, alinsunod sa rule of law at makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa kabuuan ng kanilang aktibidad.

Pinagtibay din ng ahensiya ang paggalang nito sa constitutional rights ng mga indibidwal para sa mapayapang pagtitipon at pagpapahayag ng kanilang mga saloobin o pananaw.