-- Advertisements --

Bumuwelta ngayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa electio watchdog na Kontra Daya dahil umano sa “overactive imagination and conspiracy theories.”

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ng grupong mayroong naganap na malawakang dayaan at failure of elections sa katatapos lamang na national at local elections.

Sa isang statement, sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ang self-styled watchdog ay dapat na lamang daw mag-focus sa writing crime o political thrillers.

Sinabi ni Malaya na ang report ng Kontra Daya sa 2022 elections ay kabilang daw sa fiction section ng majorbookstore o libraries na isang produkto ng wild imagination.

Tinawag din ni Malaya na irresponsible ang naging pahayag ng Kontra Daya na nagkaroon ng failure sa automation election system para mabantayan ang pagiging sagrado ng mga balota.

Ipinaliwanag ni Malaya na ang source code, ang human-readable copy ng software na nagpapatakbo sa Automated Election System (AES) ng Commission on Elections (Comelec) ay naging subject sa masusing review ng lahat ng political parties, cause oriented groups at information technology experts.

Sa ilalim ng AES law, ang lahat ng code ay dapat i-check ng lahat ng partido tatlong buwan bago ang mismong araw ng halalan.

Nagsimula raw anbg source code review noong October 2021.

Dito lumabas na walang iregularidad sa AES ayon na rin sa pag-review sa software ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Movement for Free Elections (Namfrel), lahat ng major political parties at information technology (IT).

Dahil dito, sinabi ni Malaya na imposible raw na tatahimik lamang ang mga citizen’s arms ng Comelec kung mayroon silang nakitang mali sa software na nagpapatakbo sa AES.

Dagdag ni Malaya ang pahayag din ng Kontra Daya na malawakang failure of election ay walang basehan at ito ay kasinungaligan lamang.

Ipinunto rin nitong nasa 14 na villages lamang sa tatlong munisipalidad ng Lanao del Sur ang mayroong failure of elections.

Insulto rin umano sa mahigit 37,000 public school teachers, government employees at mga pulis ang na nagsilbi sa halalan ang naging pahayag na ito ng Kontra Daya.

Binanatan din ng tagapagsalita ng DILG ang sinabi ng Kontra Daya na mayroong malawakang iregularidad at karahasan sa halalan dahil ang halalan ngayong taon ang pinakaligtas mula nang magkaroon ng automated election system sa bansa.

Paliwanag niya, mayroon lamang 20 validated election related violent incidents ngayong taon kumpara sa 60 incidents noong 2019 at 133 incidents noong 2016 polls.