-- Advertisements --
image 359

Nilagdaan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang Aboitiz Group na naglalayong magbigay ng komprehensibong digital training at mga job opportunities para sa humigit-kumulang 300,000 “unskilled and disadvantaged women” sa sa susunod na tatlong taon.

Tinaguriang Elevate Artificial Intelligence and Data Annotation, ang pinagsamang inisyatiba ay nilagdaan ni Abalos, Aboitiz Group President at Chief Executive Officer Sabin M. Aboitiz, Aboitiz Foundation President at Chief Operations Officer Maribeth L. Marasigan, at Connected Women Co-founder na si Ruth Yu-Owen.

Ang programa ay tututuon sa upskilling at re-skilling sa kababaihan para sa hinaharap na mga trabaho, pagtaas ng household income sa mga lungsod o bayan at malalayong lugar sa pamamagitan ng entrepreneurship, freelancing, at remote work.

Sa ilalim ng programa, ang mga target na benepisyaryo ay ihahanda para sa trabaho sa larangan ng data annotation ng industriya ng AI, na nagbibigay sa kanila ng mga kaugnay na kasanayan para sa remote work at propesyonal na komunikasyon.

Nanawagan si Abalos sa mga local government units (LGUs) na suportahan ang programa at iba pang mga hakbangin na nagbibigay-lakas sa teknolohiya at nagpapalakas sa kakayahan ng mga kababaihan.

Una nang pinuri ni Abalos ang Aboitiz Foundation at ang partner nito na Connected Women sa pakikipagtulungan sa gobyerno para