-- Advertisements --

Aabot sa 300,000 OFW ang inaasahang uuwi ng Pilipinas hanggang Disyembre dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Eduardo Año bunsod ito ng ipinatutupad na lockdown sa halos lahat ng bansa na naapektuhan na ng sakit.

Una nang sinabi ng mga opisyal na nasa 27,000 OFW na ang na-repatriate mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Sa susunod na buwan naman ay may inaasahang 43,000 na uuwi ng Pilipinas.

Mula ngayong araw hanggang Miyerkules ay asahan daw na ihahatid ng pamahalaan pauwi sa kani-kanilang mga pamilya ang 24,000 OFWs na nakatapos na sa quarantine at nag-negatibo sa sakit.