Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na exempted sa bu-buwisan ng pamahalaan ang mga foreign digital service na mayroong kinalaman sa edukasyon.
Alinsunod ito sa prayoridad ng pamahalaan na gawing abot-kaya at accesible sa mga Pilipino ang edukasyon.
Sa paglagda ng Pangulo sa Republic Act No. 12023 o ang batas na magpapataw ng 12% VAT sa non-resident digital service providers (DSPs), sinabi ng pangulo na exempted sa tax ang mga online course, webinars, online platform na ginagamit sa pagkatuto ng mga magaaral, at iba pang digital educational offerings.
Ayon sa Presidente, titiyakin ng batas na ito ang tax compliance ng digital service providers, kasabay ng pagsisiguro na magiging patas para sa local digital service providers ang kompetisyon.
Sa ilalim ng batas, tinatayang nasa PhP105 billion ang maku-kolekta ng pamahalaan sa susunod na limang taon.
Nasa 5% ng revenue na ito, ilalan sa creative industries.
Ibig sabihin, makikinabang ang mga filmaker, artists, musicians, at iba pang indibidwal na bumubuo at nagsu-supply ng content at narratives sa platform na ito.