-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi na nila palalawigin pa ang July 25 SIM Card registration deadlines.

Sinabi ni DICT chief Ivan John Uy, na sapat na ang mga panahon na kanilang naibigay kaya wala ng rason para ito ay muling palawigin pa.

Lahat aniya ng mga unregistered sims ay magiigng deactivated pagdating ng Hulyo 26 at hindi na rin ito magagamit.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 104 milyon ang nakapagparehistro na.