-- Advertisements --
sim card

Mariing naninindigan ang Department of Information and Communications Technology na walang extension ang April 26 SIM registration deadline.

Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na natanggap na nila ang mga kahilingan ng mga telcos na palawigin ang SIM registration period gaya ng nakasaad sa SIM Registration Act.

Sa natitirang pitong araw, wala pa umanong plano ang nasabing departamento na iextend pa ang deadline nito.

Ngunit inulit ng ahensya ang panawagan nito sa pagpaparehistro dahil ang panukala ay nakikitang makakatulong sa pagpuksa sa mga scam na nauugnay sa SMS.

Ang pagkabigong magparehistro ay magreresulta sa pag-deactivate ng mga SIM, na hahadlang din sa kanila sa pagtanggap at pagpapadala ng mga tawag at text message.

Pati na ang pag-access sa mga mahahalagang mobile application tulad ng mga digital wallet.

Sa ngayon, mahigpit pa din na nagpapaalala ang DICT sa publiko na irehistro na ang kanilang SIM cards bago ang deadline sa Abril 26.