Magkakaroon ng humigit-kumulang 11,000 sites sa buong bansa na may libreng Wi-Fi access sa pagtatapos ng taon.
Ito ang isiniwalat ng DICT na magbabago sa buhay ng milyun-milyong Pilipino sa pamamagitan ng digital access sa impormasyon at magtutulak ng socioeconomic growth ng bansa.
Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang pagsisikap na makapagbigay ng libreng Wi-Fi ay prayoridad ng departamento sa ilalim ng Broadband ng Masa Program nito.
Sinabi ni Uy na ang internet connectivity sa buong bansa ay makatutulong sa pagpapanatili ng mahalagang kaalaman sa mga Pilipino.
Lalo na’t mas umaasa aniya sila sa online news media gayundin sa social media para sa mga balita at impormasyon.
Dagdag ni Uy, na sa Pilipinas, 86 porsiyento ng populasyon ng lungsod ay gumagamit ng online at social media source para sa mga balita.
Aniya, nais ng DICT na maging isang strategic partner ng ng media industry ng bansa, upang makabago at makaligtas sa paglipat ng publiko sa social media sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga hakbangin na magbibigay-daan sa mas maraming Pilipino na ma-access ang online news.