-- Advertisements --
Nais ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pansamantalang tanggalin ng mga e-wallets ang lahat ng mga auto debit subscriptions.
Ito ay dahil maaring naabuso ang nasabing gamit nito na nagiging daan para magkaroon ng scam.
Sinabi ni DICT Usec. Jeffrey Dy. na marami silang natanggap na reklamo na ang mga e-wallet users ay nabibiktima ng scams sa pamamagitan ng kanilang e-wallets.
Hindi lamang aniya ligtas ito kapag otomatikong nag-rerenew sa subscription nito.










