-- Advertisements --

Nagkaroon lamang ng data leak at walang anumang nangyaring data hack sa 1.2 milyon records mula sa PNP Portal.

Sinabi ni Department of Communications and Information Technology (DICT) Secretary Ivan Uy na nakita ng cybersecurity researcher na bukas sa publiko ang mga record pero hindi nito nagalaw.

Base sa kanilang record na ang data leak ay mula sa online recruitment portal ng PNP.

Paglilinaw nito na na-exposed lamang ang mga dokumento sa nailagay sa nasabing portal.

Ipinasakamay na rin nila ang nasabing usapin sa National Privacy Commission.

Pagtitiyak na kanilang papanagutin ang sinumang lumabag sa pinapairal na Data Privacy Act.