-- Advertisements --

Dudulog na ang Senado sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa pagtunton sa may ari ng dialysis center na nakatanggap ng mahigit P45 million mula sa PhilHealth sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang B Braun Avitum Philippines Inc. sa Benguet ay siya ring pangalan ng healthcare institution na nakatala sa bank transactions noong nagkamali ang PhilHealth sa pag-credit ng P9.7 million via Balanga Rural Bank noong 2019.

Ang nasabing dialysis center ay natuklasan ding hindi rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Hinala ng senador, posibleng may sabwatan mula sa panig ng naturang facility at tauhan ng PhilHealth para sa mga kwestyunableng transaksyon.

Maging ang mga opisyal ng government corporation ay mainam din umano kung mabubuksan ang detalye ng bank records para malaman kung may kaugnayan sila sa mga kaduda-dudang aktibidad.