-- Advertisements --

Mariing kinondena ng University of the Philippines (UP) College of Law ang mga naglabasang impormasyon na nakahanda umano ang mga kalaban ng Duterte administration na agawin ang naturang kolehiyo sa pamamagitan ng pagtatalaga ng bagong dean.

Sa isang pahayag, sinupalpal ng UP College of Law ng isang komentaryo na nagsasabing ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nais na kontrolin ang kolehiyo.

Maituturing umano ang naturang komentaryo bilang “unwarranted” at “offensive” attack laban sa apat na kandidatong kinokonsidera para sa posisyon bilang Dean ng UP College of Law.

Tila dinudungisan din daw nito ang pagiging professional at track record ng buong faculty. Hindi rin umano katanggap-tanggap ang pang-iinsulto ng komentaryo sa kalayaan ng UP Law Faculty.

Binigyang-diin pa ng UP Law na ang selection process para sa susunod na dean ay naka-base sa academic credentials, management experience, competence, at professionalism ng isang kandidato.

Nakasaad kasi sa naturang komentaryo na ang eleksyon ng susunod na UP Law dean ay mahalagang strategic consideration para sa Duterte administration. Kasunod na rin ito ng abrogation ng kasunduan sa pagitan ng unibersidad at Department of Defense (DND) dahil sa umano’y nagaganap na communist recruitment sa loob ng paaralan.

“We affirm our commitment to independence from political interference and influence from any quarter, and to the ultimate objectives of the UP College of Law of teaching in The Grand Manner to guide the finest learning and practice of law to the end that we may achieve distributive justice, a just and humane society, the protection and advancement of human rights, and the highest standards of public service for the Filipino people, all under the Rule of Law,” saad pa sa pahayag na nilagdaan ng mga faculty members.