Mariing pinasinungalingan ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang naging pahayag ng isang PO1 Eduardo Valencia na kultura na sa kanilang hanay ang panggagahasa sa drug suspect kapalit ng kalayaan nito.
Ayon sa pulis na gumahasa sa isang 15-anyos, hindi na bago ang nasabing mga insidente dahil nakagawian na ang mga ito.
Dahil dito, galit na kinuwestiyon ni Albayalde ang pahayag ni PO1 Valencia lalo’t bago pa lamang daw ito sa serbisyo.
Nabatid na inaresto si Valencia sa reklamong panggagahasa sa dalagita kapalit ng kalayaan ng kaniyang ama na nasangkot sa iligal na droga.
Kahapon, hindi napigilan ni National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar ang kaniyang galit at gigil kay PO1 Valencia na nakatanggap ng mura sa heneral.










