-- Advertisements --

Pinanatili ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level status o Precautionary phase para sa mga Pilipino na nasa Israel.

Inisyu ng DFA ang naturang alerto dahil sa sinyales ng internal disturbance o external threat sa naturang bansa.

Ang pagpapanatili ng pinakamababang alert level status ay kasabay ng pagtanggap sa ceasefire o kasunduan ng tigil putukan sa Gaza strip matapos ang napaulat na pag-atake ng Israel.

Nananawagan naman ang DFA sa dalawang parties na igalang ang mga terms sa ceasefire agreement.

Sa kasalukuyan ayon sa DFA, walang napaulat na Pilipino na nasaktan sa nangyaring conflict.

Ayon sa DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, nasa 160 Pilipino ang kasalukuyang nasa Gaza.

Patuloy naman ang pagmonitor ng DFA sa sitwasyon sa naturang bansa sa oakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at Amman.