-- Advertisements --
DFA

Nais ni House Minority Leader Marcelino Libanan na magsumite ng ulat ang Department of Foreign Affairs kung bakit naharang at napilitang bumalik sa bansa si dating Philippine National Police Chief Rodolfo Azurin Jr.

Inusisa ni Libanan ang insidente sa budget hearing ng ahensya sa House of Representatives.

Sinabi ni Nueva Ecija 2nd District Rep. Joseph Gilbert Violago, sponsor ng DFA budget, na tinitingnan din ng gobyerno ng Canada ang insidente at inaasahang magpapadala ng mga detalye sa Philippine Embassy sa Ottawa.

Ipinaliwanag ni Violago na dahil pinili ni Azurin na lumipad pauwi, walang pagkakataon para sa embahada ng Pilipinas na magbigay ng tulong.

Matatandaan na nagretiro si Azurin sa serbisyo ng pulisya noong Abril.