-- Advertisements --
OFW ukraine DFA 1

Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Foreign Affairs sa United Nations sa pagsisikap nitong makapagbigay ng humanitarian aid sa mga apektado ng kaguluhan sa Israel.

Sa naging statement ng DFA, tiniyak nito ang pagsuporta sa hangarin ng UN na matulungan ang lahat ng mga biktima, mga sibilyan, at lahat ng naiipit sa Israel, lalo na sa Gaza Strip.

Giit ng ahensiya, malaki ang pangangailangan para sa pagtutulungan ng bawat bansa at international organization upang ma-abot ang mga apektadong indibidwal.

Kasabay nito ay hinikayat ng ahensiya ang mga bansang bahagi ng naturang kaguluhan na igalang ang karapatan ng mga sibilyan at protektahan sila mula sa epekto ng digmaan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 4 ang kumpirmadong namatay na Pinoy sa naturang bansa dahil sa pagkakaipit sa naturang kaguluhan.

Ang pinakahuli rito ay kinumpirma ni DFA Sec Manalo, ilang araw matapos kumpirmahin ang pagkamatay ng ikatlong Pilipino na mula sa Visayas.