-- Advertisements --

Nagpapaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga mamamayan na magtutungo sa South Korea na huwag ng magdala ng mga animal at livestock product.

Ito ay para maiwasan ang malaking multa na ipinapatupad ng nasabing bansa.

Ayon sa DFA, na dapat ideklara ng mga magtutungo sa bansa ang mga dala nilang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry para hindi maharap sa multang 10 million Korean won o katumbas ng mahigit P430,000.

Isa kasing biyahero ang nahulian ng mga pork sausage noong Oktubre at pinagmulta ng 5 milyon Korean Won at limang taong ban na makapasok sa kanilang bansa.

Isa ang nasabing paraan para maiwasan ang pagkalat sng mga nakakahawang sakit mula sa mga hayop.