-- Advertisements --

Muling iaapela ng Pilipinas kay Indonesian President Joko Widodo na nasa bansa ngayon para mabigyan ng clemency si Mary Jane Veloso na naaresto noong 2010 dahil sa pag-iingat ng iligal na droga.

Sinabi ni Foreign Secretary Enrique Manalo, na nakipagpulong na ito kay Indonesian foreign secretary Retno Marsudi para mabilis na resolbahin ang kaso.

Hiniling nito na dapat ay agad na mabigyan ng clemency si Veloso.

Magugunitang noong 2015 ay hindi nailigtas si Veloso sa bitay matapos na maaresto ang babae na nag-recruit sa kaniya.

Huling humirit sila ng clemency para kay Veloso ay noon pang 2022.