-- Advertisements --

Magtutungo ang delegasyon ng bansa sa Kuwait para mabigyang linaw ang hakabang nila na pagbabawal sa mga skilled workers na Filipino.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Vega na maaring sa mga susunod na araw o Linggo ay makikipag-usap sila mga opisyal ng Kuwait.

Ipapaliwanag aniya nila sa nasabing mga opisyal ng Kuwait na kailangan ng mga OFW doon ng mga shelters o matutuluyan.

Magugunitang itinigil ng Kuwait ang pagbibigay ng visa sa mga Filipino matapos na lumabag umano ang Pilipinas sa kasunduan noon.