Ipinaliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega ang pagkaantala ng pagbubukas ng Gaza-Egypt border.
Ayon sa DFA official, hindi basta basta tumatanggap ang Egypt ng mga refugee.
Bagamat inabisuhan na umano ni Egyptian Ambassador to the PH sa kanilang gobyerno na iprayoridad at paspasan ang proseso ng pagtanggap sa mga Pilipino papasok sa kanilang bansa, maisasagawa lamang aniya ito kapag ginarantiya ng kani-niyang embahada na ang mga tatawid sa naturang border ay babalik na sa kani-kanilang pinagmulang bansa.
Naniniwala naman ang DFA official na karamihan sa mga Pilipino ay babalik pa rin sa Gaza sa oras na bumuti na ang sitwasyon doon.
Ipinaliwanag din ng opisyal na isa pa sa nakikitang isyu ay kung paano makapag-adjust ang mga mapapauwing Pilipino para makapagsimulang muli na mamuhay sa bansa.
Ibinahagi din ng opisyal ang proseso sa pagdadala ng mga Pilipino sa Egypt, kung saan pagdating sa nasabing bansa kailangang manatili muna ng mga ito sa shelter sa loob ng 2 o 3 araw o madalas inaabot ng isang linggo at hindi agad na makakasakay ng eroplano pabalik sa PH.
Sa kasalukuyan, nananatili pa ring nakataas ang Alert level4 sa Gaza o mandatory evacuation sa mga Pilipino doon.