-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng lima ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 mula sa mga Pilipinong nasa abroad, at ngayon ay nasa 10,438 na, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na bulletin ng kagawaran, limang confirmed cases lang ang nadagdag sa cases tally, at pawang mga galing sa Africa region.

Mula sa higit 10,000 confirmed cases, pinakamarami ang mula sa Middle East/Africa na nasa 7,079; sinundan ng Asia-Pacific region na may 1,373; Europe sa 1,179; at Americas na nasa 808 cases.

Sa ngayon 2,993 pa ang nagpapagaling. Nasa 6,654 naman na ang nag-recover sa sakit. Habang 791 ang namatay dahil sa isang bagong death case.

“The DFA remains fully committed to monitoring the situation of overseas Filipinos who are affected by the pandemic and remains steadfast in promoting and protecting their welfare.”