Dalawa lang ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipino abroad na nag-positibo sa COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Kaya naman umakyat na ang bilang nila sa 10,069.
Batay sa data ng DFA, may 3,190 pa ang nagpapagaling. Naitala ang COVID-19 cases ng mga Pilipino sa ibayong dagat, sa 73 bansa.
Ang bilang ng mga gumaling na ay nasa 6,124 dahil sa isang nadagdag na recovery. Nananatili naman sa 755 ang total deaths.
“As reported last night, with 8,329 Overseas Filipinos (OFs) brought home this week, the total number of OFs repatriated by the DFA crossed the 153k-mark,” ayon sa aensya.
Nangako ang Foreign Affairs department na patuloy nilang tututukan ang sitwasyon ng mga Pinoy overseas, na apektado ng pandemic.
“In line with its ongoing repatriation efforts, the DFA remains fully committed to monitoring the situation of overseas Filipinos who are affected by the pandemic and remains steadfast in promoting and protecting their welfare.”
Pinakamaraming Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa Middle East/Africa region na nasa 6,968. Sumunod ang Europe na may 1,165 Pinoy cases; Asia-Pacific region (1,141); at Americas (795).