-- Advertisements --

Aabot na sa 10,360 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.

Batay sa data ng Department of Foreign Affairs (DFA), 21 ang mga bagong kaso ng sakit. Sa ngayon nasa 3,003 ang nagpapagaling pa. Habang 6,580 ang gumaling na dahil sa 13 na bagong recoveries. Apat naman ang additional deaths kaya nasa 777 ang namatay.

Ayon sa Foreign Affairs department, naitala ang naturang mga kaso ng COVID-19 sa 77 bansa.

Pinakamarami ang mula sa Middle East/Africa region, sumunod sa Asia-Pacific region, Europe at The Americas.

Sinabi ni DFA Usec. Brigido Dulay, na nasa 175,000 overseas Filipino workers na ang napauwi ng pamahalaan mula ng pumutok ang pandemya.

Ito raw ang kauna-unahan at pinakmalaking bilang OFW repatriates na na-proseso at napauwi ng bansa.

Tuloy-tuloy umano ang programa sa repatriation ng gobyerno, pero kailangan lang umanong palakasin ang kapasidad para sa testing at quarantine ng mga darating pang OFW.