-- Advertisements --

Ibinunyag ni Tourism Secretary Christina Frasco na kanilang kinansela muli ang isang kontrata mula sa DDB Philippines ad agency matapos ang kontrobersiya ng “Love the Philippines” rebranding campaign.

Sinabi ng kalihim na may anim na buwang kontrata sana ng DDB Philippines sa ahensiya na magtatapos sa Agosto 31 ay kanilang tuluyang kinansela.

Isinagawa ng kalihim ang pagbubunyag sa ginawang pagdinig sa House appropriations committee nitong Martes.

Magugunitang nabalot ng kontrobersiya ang nasabing ad agency dahil sa paggamit ng mga stock videos at pictures para sa rebranding ng tourism slogan.