-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa mga iba’t-ibang bodega ng bigas ang Department of Agriculture (DA) para malaman ang imbentaryo ng bigas kung bakit ito ay tumaas ng hanggang P5.00 kada kilo.
Sinabi ni Assistant Secretary Rex Estoperez ang deuty spokesperson ng department of Agriculture (DA) na dapat pangunahan ng regulatory agency na ikutin ang mga bodega.
Sa nasabing paraan ay para matiyak na walang nangyayaring manipulasyon dahil sa nakikita nila ang banta ng El Niño.
Una ng sinabi ng DA na nagkakaroon ng pagtaas ng mga presyo ng bigas ay dahil sa pagpapatong na rin ng mga middlemen na dapat ay pag-aralang mabuti ng gobyerno kung paano ito tuluyang matanggal.










