-- Advertisements --

Umapela ang Kagawaran ng Edukasyon sa pribadong sektor na mag-donate ng mga gamit sa paaralan dahil tumaas ang presyo ng mga learning materials bago ang pagbubukas ng paaralan.

Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na maaaring mag-donate ang pribadong sektor ng “learners’ kits” — na kinabibilangan ng learning materials tulad ng notebooks at pens — sa mga paaralan sa pamamagitan ng Brigada Eswkela program.

Ang Brigada Eskwela, kung saan naghahanda ang mga paaralan para sa pagbubukas ng mga klase sa tulong ng mga boluntaryo at kasosyo, ay tatakbo hanggang Agosto 26.

Tumaas ang presyo ng mga school supplies at uniporme sa commercial center Divisoria sa Maynila.

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na susuriin ng kanyang ahensya ang suggested retail price para sa mga school supplies.

Nauna nang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi “strictly required” ang mga estudyante sa pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme sa darating na pasukan.

Ang mga klase sa mga pampublikong paaralan ay nakatakdang magsimula sa Agosto 22.

Sa pagsapit ng Nobyembre, ang lahat ng elementarya at sekondaryang paaralan ay kinakailangang lumipat sa mga personal na klase sa buong capacity.