Plano ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang tutorial program ng ahensiya para matulungan ang mga mag-aaral na hirap na maunawaan ang kanilang mga aralin.
Sa inorganisang conference ng United States Agency for International Development (USAID, sinabi ni Undersecretary Tonisito Umali na nais nilang palakasin pa ang pagsusulong ng Brigada Pagbasa program.
Inilunsad ng DepEd ang Brigada Pagbasa noong 2019 sa pakikipagpartner nito sa World Vission para matugunan ang reading illteracy sa bansa.
Iginiit ng DepEd official na maaaring palawwigin ang programa sa pamamagitan ng pagsama ng tutorials sa ibang asignatura gaya ng Matematics.
Aniya, kanilang iprepresenta ang naturang panukala kay incoming Education Secretary at VP-elect Sara Duterte-Carpio.










