-- Advertisements --

Nagpatupad ng suspension ang Department of Education (DepEd) ng face to face classes sa lahat ng public schools ngayong Abril 29 hanggang Abril 30.

Ayon sa DepEd na magsasagawa muna ng distance learning ang lahat ng mga public schools sa bansa dahil sa labis na init ng panahon at ang tigil pasada.

Sa advisory rin ng DepEd na ang mga teaching at non-teaching personnel ng lahat ng public schools at hindi na rin pinag-rereport sa kanilang mga paaralan.

Ipinapaubaya naman ng DepEd sa mga private schools kung sila ay magpapatupad din ng suspension ng face to face classes.