-- Advertisements --
Maluwag na tinanggap ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang pagkakatalaga ni presidential frontliner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kay incoming vice president Sara Duterte-Carpio na hahalili sa kaniya.
Sa inilabas na kalatas ni Briones na handa silang magtrabaho para magkaroon ng maayos na transition ng bagong mamamahala ng kagawaran.
Kanila aniya ipapasakamay ang Basic Education 2030 ang unang beses na iiwan ng outgoing administration ang medium-term plan.
Umaasa ang kalihim na ipagpapatuloy ng papalit sa kaniya ng mga kasalukuyang programa.